✊ TULOY ANG PAG-USAD!
Na-consolidate o napagsama-sama na ang iba’t ibang mga panukalang batas na magbubuwag ng Provincial Rate, kabilang na ang inihain ng Kamanggagawa Partylist na 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟗𝟒. Sa susunod na Labor Committee hearing, inaasahan nating maipapakita at maaaprubahan na ang substitute bill na magiging batayan ng ikalawang pagbasa ng batas.
Sa madaling sabi, patuloy ang pag-usad ng ating kampanyang #NoToProvincialRate! Asahan niyo na ipaglalaban natin ito hanggang dulo.
🏛️Mga naipagsamang panukalang batas:
𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟓𝟓 – 𝐑𝐞𝐩. 𝐀𝐝𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐒𝐚𝐥𝐜𝐞𝐝𝐚
𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟗𝟒 – 𝐑𝐞𝐩. 𝐄𝐥𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨
𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟑𝟐𝟔𝟔 – 𝐑𝐞𝐩. 𝐉𝐨𝐬𝐞𝐟𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐥𝐚𝐝𝐨
𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟒𝟏𝟎𝟐 – 𝐑𝐞𝐩. 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐆𝐮𝐢𝐜𝐨 𝐉𝐫.
𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟓𝟗𝟐𝟒 – 𝐑𝐞𝐩. 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐧 𝐉𝐨𝐥𝐨 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐈𝐈𝐈
🤝Kami’y nagpapasalamat sa mga kongresista na katuwang natin sa laban na ito, kabilang na ang mga naghain ng panukalang batas at mga nagpahayag ng suporta para dito.
Ating alalahanin: may magagawa ang ating pag-oorganisa, pag-iingay, at pangangalampag. Kung matutong kumilos ng lahat ng mga manggagawa’t ordinaryong Pilipino, wala tayong hindi makakamit.
#NoToProvincialRate
#TayoAngKamanggagawa
#KamanggagawaSaKongreso