#LabanKamanggagawa!✊
Binisita ng Kamanggagawa Partylist ang mga manggagawa ng Scheirman Construction Consolidated Inc. na nagtigil-trabaho dahil sa di makatarungang pagtrato ng management.
❌ Hindi kumpleto ang hulog sa SSS, PhilHealth, at PAG-BIG
❌ Ini-ENDO ng mga empleyado kahit lampas nang 180 days sa kumpanya
❌ Delayed ang payslip ng halos 4 na buwan, kulang pa ang detalye
❌ Walang overtime at holiday pay
❌ Hindi buong nakukuha ang sahod dahil idinadaan sa remittance center na may automatic na kaltas
Suportado natin ang lahat ng organisadong pagkilos ng mga manggagawa para ipaglaban ang kanilang karapatan. Kapag natutunan ng manggagawa ang kapangyarihan ng pagkakaisa, hindi lang abusadong management ang kaya nating labanan — maitatayo natin ang isang lipunang tunay na patas at makatarungan.
#TayoAngKamanggagawa