IPAGTANGGOL ANG KALAYAAN NG PANANALITA AT PAMAMAHAYAG!
Ang kasong “cyber libel” ay karaniwang sinasampa upang takutin ang mga ordinaryong Pilipino at mga mamamahayag, laluna sa mga pumupuna ng kamalian ng gobyerno at nagsisiwalat ng kamalian.
• Kahit ang ating Rep. Eli San Fernando ay nakasuhan ng cyber libel matapos niyang ibulgar ang anomalya sa health permit sa Manila.
• Isa pang halimbawa ang sinampang kaso sa FTTM ng isang opisyal ng gobyerno sa Caloocan.
Hindi maitatanggi na may pinsala/damage ang pagsisinungaling o pagsira ng reputasyon ng iba, ngunit hindi pagsasakrimen/criminalization ang sagot dito.
Ang solusyon na pinapanawagan ng iba’t ibang grupo, lokal at internasyunal, ay ang tinatawag na “civil liability” o pagresolba at pagbigay ng danyos sa pagitan ng nagkasala at biktima, na hindi ginagamit ang kapangyarihan ng estado. Marami nang ibang bansang sumusunod sa modelong ito.
Sa halip na gamitin ang pondo ng gobyerno upang tugunan ang mas malubhang cyber crime tulad ng online fraud, child exploitation, at mga banta sa digital security, napupunta ang pondo at oras sa mga kasong cyber libel na madalas nababasura rin.
Tungkulin ng gobyerno na protektahan ang ating mga Karapatan sa Saligang Batas, kabilang na ang freedom of speech at freedom of press. Ating responsibilidad na suriin ang mga batas na nilalagay ang mga ito sa peligro.
#KamanggagawaSaKongreso
#TayoAngKamanggagawa